Lubak lubak ang kalsada tungong ligaya
Palyado pa ang tibok ng makina
Pupugak-pugak ang takbo ng isip ko
Atras-abante, mano tulak sa tabi
cho:
Ikaw ang tanging mekaniko
Mekaniko ng Makina ko
Kailangan ko ang tulong mo
Hirap ang puso kong nababato
Tag, tag, tag,tag, tag
Malalaglag na ang puso ong bihag
Wala ka bang konting habag
Sa tagahanga mong nabubulag
|
instrumental:
Nabuang na, nabuang na ako
Remedyo ko'y kahit na sulyap mo
Sige na bay, baka ako ay mamatay
Ayusin mo ang tibok ng puso ko
coda:
Ikaw ang aking Mekaniko
Mekaniko ng Makina ko
Ikaw ang tanging mekaniko
Ng makina ko makaniko
Manika ko,,ay mali...
Mali mali na ang dila ko
Lumuluwag na ang tornilyo ko |